missing the turk, missing palot
early this morning, with a mug-full of coffee, i heard myself talking to ME. "haaay, miss ko na si te liezl [the w(a)nderer]. chaka si pammie." :'(
asan si powermark pag kailangan mo sya?! hehe
ganun pala noh? kahit merong communication, alam mo ang nangyayari sa buhay-buhay ng bawat isa, alam mo kung ano'ng pinagkaka-busy-han nila,posible pa rin palang mamiss mo pa rin sila. ng todo.
iba pa rin talaga ang face-to-face conversations. yung tipong nakikita mo yung twinkle ng mata nila, yung giggles and smiles (oo, pammie, kahit walang dimples), yung galaw na sila lang ang nakakagawa, yung hagalpak na walang pakialam sa mundo, yung hiritan na walang hiyaan, kantahang deadma sa paligid [kasama na dun ang boom shi, boom shi, boom boom, boom, teliz!], kwentuhang
inaabot ng umaga, buhusan ng sama ng loob, hingahan ng frustrations, iyakan ng hinanakit at syempre, heartaches, ;)
di ko lam kung bakit ko sila biglang na-miss. ang alam ko lang, maiintindihan nila ako. sa mga tawa, iyak, sigaw, malalim na hininga, pati pananahimik [uh, nangyayari ba yon sakin? hehe].
they are like my kith and kin. pamilya at kapatid na nanggaling sa ibang mga magulang.
waaah! ate liz! dapat talaga andito ka na eh. miss ka na namin ni nez. kelan ka ba uuwi?! malapit na naming maubos sa isa't isa ang mga kwento. hehe :) alam mo bang may bago na kong song na pambulahaw ng room? chaka may mga ka-dramahan na naman kami? chaka madami pang iba?!
pammie! kelan ka ba babalik?! naaalala kita lagi dati pag napapanuod ko ang full house! pareho kayong sumayaw ni jessie! ehehe ;) chaka, gusto na kitang makita, chaka makausap, chaka malaman kung ano ng bago sa buhay mo, chaka makasabay kumain ng pagkaing nagsi-swimming sa sabaw, imbentong ulam, atchaka madami pang iba.
waaah! naiinis tuloy ako sa inyo. ang sasama nyo. naiiyak tuloy ako ngayon. :'( sana dumating na yung panahong babalik na kayo. sana dumating na yon. sana.
8 comments:
madami palang kwento at drama ha..ba't di kayo ngkwekwento? hmmp..oh well..haha..joke lang. hihi..anubayan.
tungkol sayo eh! ehehe ;) ala ka man kaya sa bahay lagi! pano ka namin kwekwentuhan, aber?! chaka aawayin mo lang kami! hmph! ;( ehehe
oo nga no..hehe..di nyo ba ako namimiss ni nez? wahihi,,ba't naman ao mangaaway eh christians naman yung ek ek nyo hehe..unless...hmm..haynaku..layp.
namimiss ka din naman namin. wala na kaming maasar eh! hehe ;)
unless... naku... layp nga. haha! :D
ako ba namimiss mo din???
sniff, sniff... di mo ata ako miss e... kasi kayo miss ko na, as in.
hindi lang obvious kasi matagal ko nang tinanggap ang katotohanan na bihira na lang talaga tayo magkikita-kita at mag-uusap.
sniff...
-ate gen
waaaah! ate gen! :'( di kita ma-miss miss eh. may picture ka kasi na naka-post sa cpu ng pc ko. hehe ;) yung tayong 3 ni kyaleks sa rembrant. haha! ;) pa-visit ng blog mo! :)
hi glads! miss ko na din kayo. wala akong makuwentuhan dito ng mga kwentong huhu. tsaka walang nang-"aaway" sa akin dito -- at least not the kind i need :(
te liz! uwi ka na! :'(
Post a Comment