ilusyon?
“waaaah! kasalanan ‘to lahat ni gracie!” was the first line in my monologue early this Friday morning as I sat on my swivel chair. Bakit ba naman di ko yun sasabihin eh sya ang nagpahiram sakin ng isa na namang novel ni Lori Wick!
Waaaah!
it all started with Ukay Bookay [ang pinakamalaking SALE sa OMFLit bookstore tuwing June]. I was able to buy Lori Wick's Kensington Chronicles [4 books] sa napakababang presyo! di ko na sasabihin kung magkano para di kayo mainggit. pero pramis, best buy yun!
i spent long hours reading each novel. book 1 till the fourth, walang palya! ang galing galing kasi nyang magsulat! kuha ang bawat emosyon, at mapipicture mo talaga kung ano ang nangyayari sa istorya. you will find yourself moving with the characters, living in the eighteen hundreds… loving and admiring the “bidas”, and hoping someday, somehow you will meet someone like, in my case, THE GUY. bakit naman kasi sa mga nobela, ang gagaling ng mga bidang lalake! well, may mga flaws din naman sila pero kahit anong mangyari,lumulutang talaga yung mga positive traits nila, even yung mga ginagawa nilang efforts that make the ladies feel protected and secure. hay, buhay! pero ang maganda dito, may mga lessons na matututunan... mga principles about the matters of the heart na di tinuturo sa paaralan, teachings na galing sa Bible. mga basics, non-negotiables, na minsan di natin nabibigyan ng halaga or deliberately ini-ignore natin.
later in the evening while having dinner at Galleria, we, my besti and i, realized that in one way or another the love-story novels we've read in college made us picture the "ideal man". he must be so and so, he must be blah, blah, blah. ayun, characters sila sa nobela! fiction o drawing sa totoong buhay at tila di na ata nag-eexist at ilusyon na lang!
medyo di kami natuwa. hehe ;)
naalala ko tuloy, ningning [ang masiba sa kanin] and kuya ed warned me against the negative effects of reading lovestory novels. dahil nga we have the tendency to compare the real-life guys with the fictitious knights-in-shining-armor. [eh sa totoo namang wala na talagang ganung lalake sa mundo eh! hmmm... ay! meron pa nga pala! pero taken na sila! bwahaha!] at dahil inaaway ko sila pag di sila "perfect" tulad ni Cash sa City Girl or ni ___ sa ____. hehe ;) not to mention the fact na masarap silang asarin. hehe ;)
i have to admit na may point sila. unfair namang i-expect na maging sila yung mga charaters sa nobela. "bakit di kayo ganito, bakit di kayo ganon..." parang natatabunan tuloy ang magagandang characteristics nila... mambobola na ba ako? hehe ;) si kuya ed, mega-responsable yan. priority talaga ang pamilya. si ningning naman, well, inosente daw. ayun. yun lang. bwahaha! kidding aside, thoughtful at always ready to help sa abot ng makakaya.
yeah, may effect naman talaga sa minds natin yung mga binabasa natin eh. kaya dapat careful tayo. pulutin ang dapat pulutin... Read good Christian literature ;)
natanggap ko na naman yung katotohanan eh. nagising na sa ilusyon. kung sino man ang naka-laan, meron man o wala, naniniwala akong yung da best NYA pa rin ang mangyayari sa nobela ng buhay ko. HE has given me life, and I will enjoy it to the full.
when you start to realize that these guys around you are works in progress, and that God is working in their lives, molding them, you'll see that they are also THE GUYS in their own novels. yun nga lang, di sila ang bida kundi yung AUTHOR ng buhay nila.
pero bakit ko sinisisi si gracie? wala lang. hehe =) nagsimula na naman kasi akong mang-asar... *grin* buti na lang naka-leave si kyaleks kanina. naaway ko na naman siguro sya kung nagkataon. hehehe =) peace! ;)
10 comments:
illusyonada ka rin pala? hahaha!! joke lang..oo kaya di ako ngbabasa eh..kasi ayaw kong macompare hihihihi :) mas masaya yung ma experience mo nalang in reality..ako pa yung bida wahaha!! anyway, wala lang akong magawa..mg chuchurch ako mamaya. ayun..gmorning nga pala :D
RIN pala? sino pa iba? ikaw?! wahihi! :D
ey, kax! di mo talaga alam kung ano ang kabalisahan? magsama kayo ni sep! hehe ;) anxiety,kapatid. :)
nalani said:
correct! read good christian literature. hehehe...
si lori wick talaga...tsk tsk tsk.
Iyan nga ang epekto ng love stories (isama na rin natin ang kinabaliwan ko dating Meteor Garden. Sobrang naapektuhan ako nun at di ko mapanuod ang MG2 sa sobrang sakit dahil may minahal si Dao na iba. haha. )Sige lang, Glads. We're still all learning. The best kind of man is the kind of man who's passionate about God--kahit imperfect.BTW, have you tried reading books by Robin Jones Gunn? She's great writer too. :-)
ey,nalani! naisip ko lang, di lang pala si lori wick! madami pang ibang dapat sisihin. hehe tsk tsk tsk talaga!
te beng, yup! i've read robin jones gunn na din. kaya lang setting ng mga stories nya na nabasa ko, di 1800s eh. hehe ;) kakatapos ko lang basahin yung isang novel nya. :)
huuuuuu? nakakasama masyado talaga ang pagbababasa ng love stories! Bible ang tapusin nating basahin bago ibang books. para balance tayo sa emotions natin. hehehe...nangaral na naman ang anak ng pastor!
ey, ningning! correct ka naman dun eh. pero eto lang, di naman "masyadong nakakasama"! OA ka naman dun, lolo. hehe ;)
Not related to your entry: Ayaw mo maglagay ng tagboard?
meron naman po akong tagboard eh. ewan ko ba, prefered ng mga peoplehood mag- comment. ;) nawawala kasi sa tagboard after some tags...
wala lang just drop..........
Post a Comment