mangga at bagoong
nakakatawang isipin na para sa kin, ang mangga at bagoong ang tambalang walang kapantay. asim ng mangga, tamis at anghang ng bagoong. da best!
nakakalungkot lang, seasonal ang mangga. tuwing summer, dun sila bongga! buti pa'ng bagoong, walang pinipiling panahon... pero teka, ibig sabihin ba non, tuwing summer lang ako masaya? ibig sabihin ba no'n tuwing summer lang masaya ang aking panlasa?
iniisip ko pa lang, natatakam na ko! pero unti unting nalulungkot...
nalulungkot dahil heto na ang tag-ulan, naghuhudyat ng papalapit na katapusan ng maliligayang araw. mga araw na ineenjoy talaga ang asim ng mangga, ang lutong ng bawat kagat, ang pagguhit ng asim sa lalamunan, at di mapigilang pagpikit ng mata sa bawat pagkakataong nalalasahan ang sarap ng mangga.
heto na ang tag-ulan, dulot sa ki'y kalungkutan. naghuhudyat ng mga inaasahang baha, pagkabasa, at pagdaloy ng luha.
tulad sa buhay ko, ngayon ay tag-ulan. asim ng mangga, di na maramdaman. sarap ng bagoong, unti unti nang nalilimutan.
pinipigilan ang baha, pagkabasa, at pagdaloy ng luha. mga instrumentong gawa sa tawa at sigla, di pala mabisa. sapagkat mahirap linlangin ang sarili.
panahon na nga ng tag-ulan.
9 comments:
drama drama ka pa dyan..dinamay mo pa yung mangga at bagoong sa buhay mo..che. mg chocolates ka nalang :D hindi pa tag-ulan no..ang inet pa kaya..pero ok lang, masaya pa rin ako wehehehe. haay layp hihi.:D
Oo nga. walang kalaban laban ang mangga at bagoong nadadamay pa? hehehe....gusto ko nga ng tag-ulan eh! lam mo kung baket? basahin mo ang blog ko!
kaka, mas masarap mangga at bagoong kesa sa chocolates! hehe ;) tag-ulan na kaya! nabasa nga ako kanina eh! hmph! ;p
anonymous, sige basahin ko blog mo! pero pano? di ko lam kung anong blog bibisitahin ko. ehehe :) pakilala ka naman, beh!
oo nga naisip ko rin yun..mas masarap ang mangga at bagoong key sa chocolates..lalo na pag hilaw na apple mangoes o kya yung mangga na dala ng mga magulang ni nez :) pero na post ko na yung comment eh.. hehehe..ayun..wow ng explain pa..
oks 'to ah. naramdaman ko ang asim sa bibig ko. ngihee :) i don't think i can relate a lot though; i happen to love the melancholia of rain :P
kuya, ok lang naman ang mga "haaay" ko tuwing tag-ulan eh, pero ang ayoko lang ngayon, yung mga "tag-ulan" ko sa buhay. oh well... :(
uchu.
kasunod nun "nwibi"? ehehe! ;)
oy, kaka! minsan-minsan lang ako mag-emong! pagbigyan mo na ko! fangeth! :p umbagin kita jan eh! :@
achu.
Post a Comment