Saturday, October 28

kapag...

pag di na masaya, mananatili ba?
pag di na masaya, andyan ka pa rin ba?
pag di na masaya, san ka na pupunta?
pag di na masaya, may matatakbuhan ba?

pag naguguluhan pa, pano magpapasya?
pag naguguluhan pa, pano masasabing tama na?
pag naguguluhan ba, makakasama ka?
pag naguguluhan ba, matatakbuhan ka?

pag nagpasya na, susuportahan mo ba?
pag nagpasya na, matatanggap mo ba?
pag nagpasya na, mahaharap mo ba?
pag nagpasya na, mananatili ka ba?

----

kung ano to'y di mo alam,
di rin batid ang inuukulan
pero sa katotohanan, ok lang
tanging ako ang may alam.

6 comments:

Macoy said...

kanta ba to o tula? gawa mo to?

Anonymous said...

anu ung nag pasya?

Anonymous said...

the jester: di ko po alam kung anong itatawag ko eh. Tula? siguro. hehe :)

kax: INNNNNNNNNTTTTTTTTTSSSSSIIIKKK!!!!
;p

Anonymous said...

na kyut :D

sillyserious said...

malalim ito... tsk, tsk... malalim ito...

;)

gludsie said...

hay, kuya... hay...