Friday, November 3

arvin ;)

Kahapon lang ay bata ka pa,
Kahapon lang ay inaaway kita
Kahapon nga lamang inuutusan pa

Di ko lang ba napansin
Ang paglipas ng panahon?
Nabigla na lamang ng mga taon?

Kanina lang ay kausap kita
Kanina lang tingin ko sayo’y nagbago na
Nagulat na lamang, binata ka na.

Labis nga ba kayang ako ay nalayo
Humiwalay mag-isa nang di napagtanto?
Di ko na alam, basta ang mahalaga…

Tingin ko sayo’y mag-iiba na
Di na ikaw ang batang maloloko ko pa
Kagulat-gulat ngang natuwa pa ako
Sa mga pagbabagong nakita sayo

Sa pinagdadaanan mo, di ka nag-iisa
Ang ate’y andito, pinagdadasal ka
Mahirap, masaya at kung ano pa
May kasama ka, kahit malayo pa.

No comments: