it's funny how i miss lots of people these days. kakaiba!
i usually take the mrt every morning and i always see those laser stickers along the bangketa. barbie, walt disney princesses, pooh, etc. lagi kong gustong bumili. bumili para kay shang shang. :) miss ko na ang batang ito. :)
two days ago, her dad asked me to write something for her, to encourage and inspire her. so i decorated a card with stickers of pooh, piglet and eeyore, and wrote her a relatively short message. kayang kaya na nyang magbasa. abah! first honor ata sya! :) naalala ko tuloy nung ako yung grade one. abah! first honor din ata 'to! hehe :) natuwa nga ako nung magkwento si kuya romel ng reaksyon ni shang shang, kung ano sinabi nya... at syempre, natuwa naman ako. :) nagustuhan din nya yung laser stickers ng mga disney princesses na binigay ko. :)
kahapon din, habang naka-earphones at tumutugtog ang "liman-dipang tao" ng san miguel master chorale and philharmonic orchestra, nabasa ko ang isang email galing kay pamm nung january pa. di ko alam kung bakit, napa-iyak talaga ako. yung tipong "ang sakit sa damdamin" na iyak?! tuloy tuloy at mahirap pigilan. mabuti na lang walang halong paghikbi, dahil malamang, mapapansin yun ni bijoi! at medyo dyahe. hehe ;) so i sent her an sms, telling her na i miss her and love her, and wish that she's fine... after a few minutes, nag-reply sya. her letter daw last january was supposed to be funny! miss nya na din daw ako and she's worried with the news na naririnig nya about the philippines... hay, palot! bumisita ka na sa pilipinas! antagal mo na sa indonesia! kami naman ang i-bless mo with your presence. :)
last week naman, habang nagkwe-kwentuhan kami sa bahay ni nez, bigla kong naisip kung ano na nangyayari kay te liezl. kami kasi ni nez, maraming pinagdaanan at na-experience these past months. malamang, marami na ding nangyayari kay te liz! at ayun, nung nag-email ako sa kanya ng konting kwento at plans (weeeehh, secret kung ano.hehe), nagkwento sya ng mga pangyayari sa buhay nya. waaaah! stressful ang buhay! pero atleast, makulot man ang buhok nya sa stress, nasa US naman sya! tayo naman dito sa pilipinas, dahil nasa pilipinas, ay nas-stress din dahil sa mga nangyayari sa government! hay, buhay nga naman. ate! kung sa december ka pa babalik, di kaya may bago nang presidente nun? or bagong pilipinas? or bagong taon? hehe :D
bakit kaya ganon? pag malayo na yung mga taong malapit sa puso mo dun mo lang sila namimiss? pwede bang mamiss ang mga taong andyan lang? hmmmm... sabi nga ni te shawi: "sa globe, posible." hehe :) pumapasok tuloy sa utak ko na minsan naman, mawala at di magpakita. para mamiss nyo naman ako! haha! :D hmmm... ;)
P.S. sabi ni bijoi di ko na kailangang lumayo or mawala para ma-miss ako ng tao. MANAHIMIK lang daw ako, ok na! haha! :D