Tuesday, May 23

bagong gupit!

ayun na nga po ang nangyari, dahil sa paanyaya ni ate beng na subukan ang salon sa tapat ng bagong building namin (na may sine-serve na free iced tea!), nagpagupit kami pareho! ehehe :)

at dahil alam naming di na katulad ang "look" kinabukasan, kinailangang ipakita na sa mga "workaholic officemates" na nasa opisina pa pagkatapos namin sa parlor, ang "bago" naming buhok! at na-gandahan naman sila... takot lang nilang magbigay ng di kaaya-ayang comment!

pero eto lang nadiscover ko: mas ok palang maging makulit sa parlor kesa tahimik lang at seryoso! hehe :) andami naming nadiskubre sa "top hairstylist" na gumupit sa amin! mostly, nakakatawa... kesyo dati daw syang lalaki, at nakalimot mula nang ma-aksidente sa motor... nagka-amnesia sya kaya nya nakalimutang lalaki sya! hahaha :D pero kahit ganon, award-winning ang lolo(a)h mo! syempre, naikwento nya ang mga competitions na sinalihan nya...

at sa palagay ko, tama sya. winner talaga sya. walang kaduda-duda, lalong lumutang ang kagandahan namin! as in! bwahahaha! ;D

at dahil naaaliw ko na ang sarili ko, at ayoko nang malaman pa ang sasabihin nyo sa curly hair ko, di ko na lang i-popost yung pic na pinakuha ko pagdating sa office. dyahe naman sa inyo pag inaway ko kayo sa blog ko. hehehe ;)

ayun, na-share ko lang... wala lang. ;p

so pano na? ingat kayo!

(shut up, ningning!)

(isa ka pa, dap!)

(ate beng, wag ka na hihirit! ;p)

(pigilan mo sarili mo, kyaleks!)

(uhm, gracie... wag na.)

bagay ba sa kin ang kulot? ehihihi ;p

10 comments:

Anonymous said...

Sana pati yung pilik mata mo pinakulot mo rin!!!! ehihihi....

Beng said...

Nice sitting with you in the parlor!:-) Sana marami pa tayong makulit na mga parlolista sa dami ng mga tanong natin!
Yeah, glads, bagay sa iyo ang kulot. Pero mas bagay sa iyo ang pagiging clueless!haha

gludsie said...

frenz, nxt time try ko! haha :)

te beng, sa uulitin! hehe :p

merilion said...

well, it suits you. is that enough of a compliment for you? hehe. =P

gludsie said...

thanks, kuya butch! ehehe :)

Anonymous said...

kung di ko nabasa to di ko malalaman na ngpagupit ka nga..honest..hmm..hehe

Anonymous said...

picture?:D

Anonymous said...

picture?:D

Anonymous said...

waaaaaaaa... nagpakulot ka teglads? post ka na lang ng pic sa friendster para makita ko. :)
(para makapag comment ako kung bagay o hindi)
hmmm... pero kahit kahit kulot ka man o hindi maganda ka pa rin. :)

gludsie said...

uhmmm... anonymous? makakatulong siguro sakin kung sinulat mo kung sino ka. hehe :)

di ako nagpakulot. matagal na kong kulot! as in naturally curly ang hair ko, kaya maganda! hahaha :)