Tuesday, May 23

bagong gupit!

ayun na nga po ang nangyari, dahil sa paanyaya ni ate beng na subukan ang salon sa tapat ng bagong building namin (na may sine-serve na free iced tea!), nagpagupit kami pareho! ehehe :)

at dahil alam naming di na katulad ang "look" kinabukasan, kinailangang ipakita na sa mga "workaholic officemates" na nasa opisina pa pagkatapos namin sa parlor, ang "bago" naming buhok! at na-gandahan naman sila... takot lang nilang magbigay ng di kaaya-ayang comment!

pero eto lang nadiscover ko: mas ok palang maging makulit sa parlor kesa tahimik lang at seryoso! hehe :) andami naming nadiskubre sa "top hairstylist" na gumupit sa amin! mostly, nakakatawa... kesyo dati daw syang lalaki, at nakalimot mula nang ma-aksidente sa motor... nagka-amnesia sya kaya nya nakalimutang lalaki sya! hahaha :D pero kahit ganon, award-winning ang lolo(a)h mo! syempre, naikwento nya ang mga competitions na sinalihan nya...

at sa palagay ko, tama sya. winner talaga sya. walang kaduda-duda, lalong lumutang ang kagandahan namin! as in! bwahahaha! ;D

at dahil naaaliw ko na ang sarili ko, at ayoko nang malaman pa ang sasabihin nyo sa curly hair ko, di ko na lang i-popost yung pic na pinakuha ko pagdating sa office. dyahe naman sa inyo pag inaway ko kayo sa blog ko. hehehe ;)

ayun, na-share ko lang... wala lang. ;p

so pano na? ingat kayo!

(shut up, ningning!)

(isa ka pa, dap!)

(ate beng, wag ka na hihirit! ;p)

(pigilan mo sarili mo, kyaleks!)

(uhm, gracie... wag na.)

bagay ba sa kin ang kulot? ehihihi ;p

Friday, May 19

ayon sa proverbs

Proverbs 17:17
A friend loves at all times,
and a brother is born for adversity.
 
Proverbs 27:4 - 6
 
Anger is cruel and fury overwhelming
but who can stand before jealousy?
 
Better is open rebuke than hidden love.
 
Wounds from a friend can be trusted,
but an enemy multiplies kisses.
 
 
Proverbs 27:9
Perfume and incense bring joy to the heart
and the pleasantness of one's friend
springs from his earnest counsel

Saturday, May 13

epekto nga ba ng ulan?

nakaka-senti ang ulan.
utak ko'y pumupunta kung saan saan.
mga pangyayari sa nakaraan,
may kasayaha't kalungkutan din naman.

epekto ng ulan sa iba'y di ko alam
pero ang alam ko lang, sa aki'y kasentihan.
lalo na ngayong pakiramdam ko'y nawalan
ng isang taong mayro'ng kahalagahan.

di ka naman nawala o naglaho ng bigla
sa akin ay di lingid ang gan'tong balita
pero kahit gano'y di pa rin pala handa.
kaya andito ngayon, walang magawa
kundi ang magsulat at gumawa ng tula.

Friday, May 12

disiplina

mahirap kalabanin ang sarili...
 
 
pero kaya.