Tuesday, February 8

Wisdom Tooth

Walang nagsabi sa akin na masakit pala tubuan ng wisdom tooth! Nabagabag ako sa buong araw, iritable sa paligid, konti na lang ay maasar sa buong mundo! Ang hirap pala pag unti-unting nadadagdagan ang edad. Kaakibat ay mga pagbabagong minsan ay nagdudulot ng saya, minsan naman ay sakit. Ang sakit talaga!
Naisip ko tuloy, masakit din ba ang pagdating ng wisdom sa totoong buhay? Malamang oo... (wisdom tooth nga lang, masakit na eh! =)) marami munang pagdaraanan bago matamo ang wisdom na inaasam... maraming pagsubok, maraming aral. Pero ganun pa man, patuloy pa rin ang pagsusumikap... patuloy ang pagtakbo ng buhay... patuloy...hanggang matamo ng tuluyan.

1 comment:

sillyserious said...

syaks... ngipin pa lang yan ha dami nang lessons. hehe... welcome to the blog world, gladz.... sillyserious