Sunday, February 12

sayo 'to

o ayan na.
nakwento ko na sayo.
ang dahilan kung bakit
nalungkot ako.

di ko pa nun kaya
kaya kinailangang mag-isa
at nung ok na
ayu't nalaman mo na.

alam ko'ng disappointing
ang di ko pag-imik
pero alam kong na-gets mo
kaya't di na nangulit.

salamat na lamang
at kaibigan kita,
di na kailangang
ako'y magtago pa.

salamat sa pag-unawa
na ito'y aking paraan
upang matanggap at maharap
ang sitwasyong mahirap.

at sa katotohanan?
ikaw lang ang may alam nyan.
at sana alam mong
ika'y pinagkakatiwalaan.

---
@>--'----

*wink, wink*

bwahahaha! :p

No comments: