Tuesday, November 22

pilipinoy!

napansin nyo ba, andami nang kanta na may temang "proud to be pinoy"? :)
 
Natutuwa ako sa thought na sa kalagitnaan ng mga kaguluhan, krisis at problema sa gobyerno, nagiging positibo ang reaksyon ng mga Pinoy artists. mga taong may malakas na impluwensya dahil sa kanilang musika. andyan si kitchie! keganda-gandang rocker! ang orange and lemons na kumanta at tumugtog ng theme song ng pinoy big brother (lyricist daw si jonathan manalo), at sino'ng banda na nga ang naglabas nung kantang merong lyrics na "hoy! pinoy ako!..."? si bamboo nga ba? basta. di kasi ako masyadong pamilyar sa mga bagong banda. sensya na. ;)
 
natutuwa ako sapagkat di ako nag-iisa. (kahit nag-iinartist lang. hehe) maraming patuloy na nagmamahal sa Pilipinas. Mga Pinoy na di nawawalan ng pag-asa na balang araw, matututo ang Pilipino na mahalin ang Pilipinas. Oo, maraming mga di nakakatuwang tao, bagay at pangyayari na ang dumaan sa bayan natin. Marami na'ng masaklap na kaganapang hanggang ngayon ay nakatatak pa sa mga utak ng marami. At mahirap magpatawad at lumimot lalo na't naka-ugat na sa puso ang sama ng loob at marahil, puot. Nakakalungkot, pero totoo.
 
***-***-***
 
maraming gabi at panahong nag-iisa ako na idinudulong ko sa Panginoon ang ating bansa. May mga panahon ding, oo, nasisiraan ako ng loob. Lalo na't napapanood ko sa telebisyon ang mga balita. pagtaas ng presyo ng gas, e-vat, ortigas carnapping... at marami-rami pang iba. pati ang justice system at ang buong kapulisan. nakakalungkot na natatabunan ng mga ganitong balita ang mga magagandang nangyayari sa bansa. mas napagtutuunan ng media ang mga balitang lalo lamang umaagaw sa kaunting natitirang pag-asa.
 
madalas kong iniiyak sa Kanya ang ating bansa. sana dumating na ang panahong wala nang naghihirap na mga bata sa kalsada, mga pulubi sa bawat kanto, mga basura sa bawat ilog at estero, mga iskwater sa ilalim ng tulay, mga nakakaranas ng pahirap sa haba ng kanilang buhay. at naniniwala ako'ng di yun imposible. dadarating ang panahong yon. darating yon...
 
***-***-***
 
pangarap ko'ng lumikha ng isang bagay na may halaga. gumawa ng bagay na di malilimutan. magkaron ng impact sa buhay ng iba. I DREAM BIG. pero hanggang ngayon, di ko pa alam kung pano ko yun maaabot. ano'ng paraan, at sa ano'ng larangan. magulo pa sa utak ko, marami pang  gustong gawin, maraming gustong subukan. samantala, patuloy pa rin ang pananalangin, patuloy ang pananaginip, patuloy ang pag-asa, ang paghangad, ang pagtingin sa hinaharap. at paghihimok sa iba na MAHALIN ANG BANSA. sa ganitong paran man lamang, magkaroon ako ng kontribusyon...
 
TARA NA'T SIMULAN ANG PAGBABAGO!
 
***-***-***
 

Friday, November 18

my kind

02 November 2005
 
Over the long weekend, my family went to my mom's hometown, Candaba (Pampanga). Relatives from Manila, Bulacan, and different parts of the province came. It was like a mini-clan reunion! :)
 
I wasn't really surprised to see lots of nephews and nieces welcoming me, and trying to get my attention. After all, some of them call me "Ninang"! Haha! :) But what surprised me was the possible confirmation of an idea! A theory that explains my present "PAGKATAO". Something that is passed on from generation to generation. My kind of people. A glimpse of how I must have been like as a kid -- my nieces and godchildren: (Hahaha!)
 
One, named Abi, was very maingay! Bibo and well... makwento. :) The moment I arrived, she screamed "Ninaaaaangggg!" Like I was ten kilometers away! My gulay! May tatalo pa pala sa nalulon kong microphone!
 
Another one is named Nian (Her dad's name is Nino and mom's Annie. Kinda cute name, I think). Anyways... my cousins were telling my mom why Nian was able to go to Pampanga with them even if both her parents were not.  The explanation was like this:
 
Nian's Dad: "Nian, di tayo sama sa Pampanga ha. Punta tayo kina Mama."
Nian: "Aba! Dapat kasama ako sa Pampanga! Bahala ka, pag di ako nakasama, hahanapin ako ni Lola Flor. (My mom) Ako pa man din ang pinakamaganda nyang apo!"
 
Ano pa nga ba magagawa ng ama?! Hehehe :) Ewan ko ba, sa batang ito, importanteng maganda sya! Kamag-anak ko talaga 'to! Hehehe :)
 
Buti na lang, di ako nakarinig this time ng any word na nawawalan o nadagdagan ng "H"! I guess the next generation of our family has a future! Hehehe :)
 
Nga pala, Nian always goes home from school with colorful stars stamped on her hand. She tops her class!
 
Ehem, ehem. *wink, wink*
 
Kaylangan pa bang imemorayzhan? :)