artista
artista - [noun] isang taong binabayaran upang umarte at sundin ang direktor. isang propesyon. maari din itong gamitin sa isang tao na nagsusumikap mag-"project" ng isang persona na iba sa kanya, sa isang particular na panahon.
--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--
di lingid sa kaalaman natin na pangarap ng maraming pilipino ang maging artista. pruweba na dito ang pagsulpot ng sandamakmak na artista search, singing contests, dance contests, sing-and-dance contests, at lahat na ng kagimikang pwedeng maisip ng creative minds ng mga tao sa likod ng telebisyon, radyo, at iba pang forms ng multi-media.
bakit nga naman hindi? pag artista ka, sikat ka. at madaling yumaman! kaya mong i-earn sa mas maikling panahon ang di mo kayang kitain sa isang taon bilang isang empleyado lamang sa kung saan. aaaahhh. the lure of money and fame. pero di ibig sabihin nito na madali ang trabaho. matinding puyatan at hardwork ang kailangan. magastos pa lalo kung di ka gifted sa linya ng "kagandahan o kagwapuhan" ayon sa standards ng mundo dahil kakailanganin ang frequent, not to mention painful, visits kay doktora vicky or sa mga calayan. :) vanity is the name of the game. and their end goal is to please the people, their audience, listeners, sponsors, etc. at mag-invoke ng necessary emotion. well, trabaho nila yun.
di rin lingid sa kaalaman natin, [marahil napapansin din nyo sa sarili nyo] na madalas nagiging artista tayo sa harap ng iba. we tend to project a different persona. lalong lalo na pag ayaw nating malaman ng iba kung ano talaga ang nararamdaman o naiisip natin. pag malungkot, masaya ang "front" natin. pag galit naman, mga ngiti at mababaw na halakhak. ewan ko ba, kahit ilang beses na nating narinig ang mga katagang "magpakatotoo ka", bumabalik at bumabalik pa rin tayo sa pagiging artista!
di ko alam kung nakakabuti o nakakasama para sa atin ang pagiging artista. minsan siguro oo, minsan naman hinde. depende sa sitwasyon. pero eto lang, di kaya ito isang form ng kasinungalingan?
inaamin ko na maraming pagkakataon, naging artista ako. maraming beses na sinadya man o hindi ay nalinlang ang iba, maging ang sarili. may mga dahilan, valid man o hindi, pero madalas ay para sa sariling ikabubuti. pero di ko naisip noon na maaaring sa pag-aartistang ito, may masasaktan ako: mga taong kilala na ang halos buong pagkatao ko. alam na kung paano ang takbo ng utak ko, at sa bawat galaw o mukha ay alam na kung may mabigat na dinadala o pino-problema. sa bawat pagbabalat-kayo, pagtatago sa likod ng isa pang mukha, pagsusuot ng maskara, maaaring may nasasaktan ka. nasasaktan sila dahil kilala ka nila.
alam ko kung paano yon. dahil minsan, nasaktan din ako. at sabi ko sa sarili ko, ayoko nang maging artista. well, susubukan ko... para sa kapakanan ng mundo. ;)
--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--