Thursday, February 23

pagkakakilanlan

bakit mas madaling magsulat pag na-eemong ka?
bakit di masyado pag ikaw ay masaya?
bakit masayang basahin ang buhay ng iba,
o kaya'y pakinggan ang mga kwento nila?
 
di ko mawari kung bakit ganito
ano'ng pagkakaiba pag ikaw ay lito!
di ka naman baliw, pero daig pa ang trumpo
sa pag-ikot ng utak sa kung anu-ano...
 
mula sa trabaho, sa bahay man at kapilya
kaibigan, kamag-anak, kapuso't kapamilya
lahat ng klaseng tao, nakasalamuha mo na
alam mo na kaya kung sino ka talaga?
 
impluwensya ng iba'y di maikakaila
ayon sa kasaysaya'y sa dayuhan nagmula.
ano'ng mangyayari pag di mo na alam,
tunay na sarili'y tuluyang mamaalam.
 
ano'ng kalungkutan, sakdal kasawian,
daig pa ang isang buhay ay binawian!
pano isasalba ang nakubling katayuan
kung ikaw sa sarili'y mayro'n nang kalayuan?
 
kailan ang liwanag kaya ay daratal,
tunay na kulay mo'y tuluyang tatanglaw
pakpak mong tinikom muling makakampay
panibagong simulang kambal ay tagumpay!
 
 
-----
bunga ng ilang minutong gutom at pagod bago umuwi mula sa opisina.
salamat kay lulalei, sa pagtaktak ng utak. ;)
 

1 comment:

Anonymous said...

pambihira! purong tagalog!