Tuesday, November 22

pilipinoy!

napansin nyo ba, andami nang kanta na may temang "proud to be pinoy"? :)
 
Natutuwa ako sa thought na sa kalagitnaan ng mga kaguluhan, krisis at problema sa gobyerno, nagiging positibo ang reaksyon ng mga Pinoy artists. mga taong may malakas na impluwensya dahil sa kanilang musika. andyan si kitchie! keganda-gandang rocker! ang orange and lemons na kumanta at tumugtog ng theme song ng pinoy big brother (lyricist daw si jonathan manalo), at sino'ng banda na nga ang naglabas nung kantang merong lyrics na "hoy! pinoy ako!..."? si bamboo nga ba? basta. di kasi ako masyadong pamilyar sa mga bagong banda. sensya na. ;)
 
natutuwa ako sapagkat di ako nag-iisa. (kahit nag-iinartist lang. hehe) maraming patuloy na nagmamahal sa Pilipinas. Mga Pinoy na di nawawalan ng pag-asa na balang araw, matututo ang Pilipino na mahalin ang Pilipinas. Oo, maraming mga di nakakatuwang tao, bagay at pangyayari na ang dumaan sa bayan natin. Marami na'ng masaklap na kaganapang hanggang ngayon ay nakatatak pa sa mga utak ng marami. At mahirap magpatawad at lumimot lalo na't naka-ugat na sa puso ang sama ng loob at marahil, puot. Nakakalungkot, pero totoo.
 
***-***-***
 
maraming gabi at panahong nag-iisa ako na idinudulong ko sa Panginoon ang ating bansa. May mga panahon ding, oo, nasisiraan ako ng loob. Lalo na't napapanood ko sa telebisyon ang mga balita. pagtaas ng presyo ng gas, e-vat, ortigas carnapping... at marami-rami pang iba. pati ang justice system at ang buong kapulisan. nakakalungkot na natatabunan ng mga ganitong balita ang mga magagandang nangyayari sa bansa. mas napagtutuunan ng media ang mga balitang lalo lamang umaagaw sa kaunting natitirang pag-asa.
 
madalas kong iniiyak sa Kanya ang ating bansa. sana dumating na ang panahong wala nang naghihirap na mga bata sa kalsada, mga pulubi sa bawat kanto, mga basura sa bawat ilog at estero, mga iskwater sa ilalim ng tulay, mga nakakaranas ng pahirap sa haba ng kanilang buhay. at naniniwala ako'ng di yun imposible. dadarating ang panahong yon. darating yon...
 
***-***-***
 
pangarap ko'ng lumikha ng isang bagay na may halaga. gumawa ng bagay na di malilimutan. magkaron ng impact sa buhay ng iba. I DREAM BIG. pero hanggang ngayon, di ko pa alam kung pano ko yun maaabot. ano'ng paraan, at sa ano'ng larangan. magulo pa sa utak ko, marami pang  gustong gawin, maraming gustong subukan. samantala, patuloy pa rin ang pananalangin, patuloy ang pananaginip, patuloy ang pag-asa, ang paghangad, ang pagtingin sa hinaharap. at paghihimok sa iba na MAHALIN ANG BANSA. sa ganitong paran man lamang, magkaroon ako ng kontribusyon...
 
TARA NA'T SIMULAN ANG PAGBABAGO!
 
***-***-***
 

3 comments:

Beng said...

Tama ka, Gladys. At maaari mo akong ibilang kasama mo, na mahal ang Pilipinas. Tuwing nasa Amerika ako, naiisip ko nga na ang layo-layo na nila sa atin sa larangan ng kaunlaran. Ang ganda duon, ang rangya, andaming pwedeng bilhin. Pero iba dito--nalilinang ang pananampalataya ko kasi nakikita ko kung bakit kailangan natin ang Diyos. Kasi dito, mahirap ang buhay kaya nararamdaman kong di natin kakayanin kung tayo lang.

Itaga mo sa bato, di ko hahangarin ang maging anupaman maliban sa maging Pilipino. :-)

Anonymous said...

glads! ako pilichinoy nyehehe..kidding aside, totoo..khit nghihirap ang pinas, masaya pa rin. andyan nga lng naman talaga si GOd eh :)

Anonymous said...

Pero d ba natin naisip na kaya tayo pinapahirap ng Diyos ay dahil gusto Niyang lalo tayong lumapit sa Kanya at maging masigasig pang ipalaganap ang ibanghelyo? Kasi kung papansinin natin, hanggang ngyon, sinasarili pa rin natin ang kaligtasan bigay ni Kristo sa atin. Dapat ng kumilos at ipalaganap ang kaligtasang ating natamo. Talaga bang may oras tayo dito? O pinapanood na lang ang mga senyales ng kahirapan? Dapat kumilos na..dapat....