Thursday, June 9

close kami!

naaalala ko si arvin [kapangalan ng kapatid ko]. miss ko na ang batang 'to. ang aking "li'l bro" na mega-bow ako. the sweet brother i wish i had... my description of "the man" kahit nung younger pa sya! ;)


kababata ko sya. kalaro, kakampi, kaaway [naka-away ko nga ba sya nung bata?], kaibigan, kapatid. kasama ko rin sya sa children's choir nun at di ko makakalimutan ang pagkanta nya ng "Go, tell it on the mountains" sa isang cantata namin. haha! sya lang ang pwedeng kumanta nun ng sobrang lalim ng boses! ;) at di ko pwedeng makalimutan: kahit pa nung grade school pa lang, gentleman na sya -- one thing na na-appreciate naming mga girls noon, mga "ate" nya at hindi. matalino din sya at may sense kausap. :)


so what do i miss about my li'l bro? ;) hmmm... yung boses nyang malalim lalo na pag tumatawa. Bass na bass [nakatulong kaya yung wala na syang tonsils? i wonder...] , yung series of updates nya sa mga nangyayari sa buhay nya! masarap syang kausap lalo na sa mga seryosong bagay kahit ano'ng oras ng araw. sensitive ang batang ito [ooops! di na nga pala sya bata]. ;) hmmm... yung mga eyes nyang expressive. kitang kita sa mata nya pag masaya sya or malungkot. mukhang kuya daw sya ng kuya nya, pero for me, dahil lang yun sa mas maaga syang nag-mature [in most aspects] kesa sa kuya nya [elow, jay-ar! hehe]


bago kami naging dormmates sa Molave Residence Hall, nung maging sophomore sya sa college, binisita nya ko. di ko inexpect na after around 5 or 6 years nang di pagkikita [at walang communication], magiging close parin kami. sabay naming binalikan ang mga nangyari nung kids pa talaga kami. ang saya!


di ko alam kung pano yun nangyari, pero nakuha ko yung mobile number nya before kami nag-meet sa UP. so as usual, niloko ko sya sa text *grin*. pero di ako nagwagi! sabi nya sakin, parang naririnig daw nya ko habang binabasa nya yung mga messages ko sa cellphone nya. akong ako daw yon! di maikakaila! [oh well, mula nun di na ko confident manloko sa text, ehehe]


ang galing di ba? di man nya alam number ko, kahit matagal na kaming si nagkikita, alam nyang ako yon. close kami! ;)


now i understand why a certain face and a certain voice came to my mind when i've read of "you"... yun yon eh.


2 comments:

Anonymous said...

haba ng intro a. wehehe..

Anonymous said...

megumi, salamat po sa pagbisi-bisita. ;) tagal na naming di nagkikita ni arvin. kahit nga ni lei eh. but i know they're doing fine. ;)
wow, matino pala ko? ehehe ;) meet tayo minsan! :D

kaka, tseh! :p di ka lang maka-relate! sige, next time ulit, i'll write about you! tingnan natin kung matuwa ka! ehehe :p