Friday, March 17

pagbabalik-tanaw

I have a friend graduating tomorrow. It's been a long time since we last communicated. But I know he's doing good. :)
 
I remember we had a duet when we were in grade school pa. Sa sobrang tagal, di ko na matandaan yung song. I can only remember these lines:
 
"Hindi ko sasayangin, araw ng aking kabataan
Si Hesus na nagmamahal sa akin, aking paglilingkuran"
 
Nung nagkukwentuhan kami, nung nasa college na, alam pa nya yung song! Siguro nga bata pa lang kami, inabsorb na nya ang mensahe.
 
Bata pa lang, alam kong malayo ang mararating nya. Alam kong isa sya sa mga taong "I will look up to" in the future.
 
Meantime, ookrayin ko na lang muna sya... Hehehe :) Ng personal. Dyahe naman kasi, baka di na sya galangin ng kongregasyon nya.
 
Congrats, Jay-Ar! :)
 
Iniwan mo ang UP para sumunod sa gusto ni Lord, at alam ko'ng desire din yun ng heart mo kaya doble ang saya... May the Lord use you mightily kung saan ka Nya dalhin. May you be a blessing to the people you will be shepherding.
 
At sa pagiging Pastor mo, maraming buhay sana ang mabago. :)
 
 
 

Friday, March 10

birthday mo

Last year, pinaka-memorable
Last year, pinakamakulay
Last year, pinakamasaya
Last year, wala ka pero ramdam ka.
 
This year, gusto mong malimot
This year, windang at magulo
This year, tila ka malungkot
This year, andito ka pero parang wala.
 
Next year, dasal ko'y mag-iba
Next year, may kapayapaa't pag-asa
Next year, kakaibang ligaya
Next year, malay mo, may kasama ka pa! ;)
 
samantala, ngayon, habang wala ka pa don
may mga kaibigan ka na panghabang panahon
tumigil man ang mundo't magpahirap sayo
di ka nila iiwan, at sila'y kasama mo.
 
last year andun sila
this year ganun pa din
next year di papalya
at sa mga susunod pa.