Friday, February 25

Thankful

Holiday daw ngayon so I planned to make the most out of it: matulog hanggang gusto kahit kalahating araw! But I woke up earlier than I want to dahil sa "istorbong" tunog ng cellphone (I should have listened to Ate Liezl's suggestion: i-silent mode ang phone). Text message from my dad... miss na cguro nya ko. ahihi...

Thankful, thankful, thankful. That's what I am right now. Thankful of the distance between me and my parents. Not because I can do what I want without them knowing, but because of this distance, I learned to appreciate them more. I realized how much they mean to me, and how much I miss them. Because of the distance, I think about them, and pray for them more often. In Sandara's voice with the wave: MAHAL KO KAYO.

Recently, my younger bro, Arvin, moved in to our apartment here in QC. And yep, I was initially reluctant to have him(may magmomonitor na sakin eh!), coz I had no choice. Wala shang matitirhan pa... After a few days, I found myself, again, thankful. Thankful because I realized that the Lord is teaching me to be responsible. I suddenly want to be a big sister! I want to be a good example, I want to "teach" him, even little things. And yes, I'm thankful for the opportunity to bond with him because since college, di ko sha laging nakakasama... Sinamahan ko shang magbyahe papuntang office nya sa first day ng work nya sa Ortigas. Ang sarap pala ng feeling na ma-practice ulit ang pagiging ate! :) But I was surprised, parang naging younger sister ako nung minsang umuwi ako ng bahay after work. Hinihintay pala nya ko para sabay mag-dinner! At abah! Masarap pala shang magluto! (mana sa akin. ahihi)

There are lots of things that I'm thankful for right now... Pero yun muna share ko. =)

Pahabol: Thankful din pala ko sa mga naka-bonding ko kanina kahit biglaan. Salamat din sa nanlibre ng movie and dinner. Hehe :) Sa uulitin! Maraming salamat sa inyo, na-enjoy ko ang holiday. :)

Saturday, February 12

My FUNny Valentine

Last night, I had a date with this very cute guy. The GUY surprised me with love songs. He sang every song, every lyric from his heart… “No more talk of darkness, forget these wide-eyed fears, I’m here. Nothing will harm you. Those fears are far behind you…” (Or something like that) Needless to say, I found myself comforted by each song. His voice is so sweet yet so strong. And the way he looks at me… gosh! Melted me like ice cream under the sun! Aaaaahhh… Am I still smiling? I guess I am... =)
I wish that evening never ended… If there really is a cloud nine, I was there. Floating and dancing with outstretched arms…

Waaaah! Sino ba namang di kikiligin don?! Hellllooo? Ano ako bato?! Shempre ninamnam ko bawat minuto! Hehehe =)

Sandali lang. Bakit parang di ka naniniwala? At anong ibig sabihin ng smile na yan? Hmmm? Nangyari yon, noh!

OK, OK… That was partially true (and half-imagination). =) Well, you can’t blame me! That’s exactly how I felt when I heard Christian Bautista sing at the Mandarin Oriental. Two angels named Beng and Aileen surprised me and Bijoi (well, she already had an idea what we’re gonna do so that leaves me and only me clueless) with tickets to Kuh Ledesma and Christian Bautista’s Valentines concert… (Right, the smile is still glued to my face.)

I have always thought that I’m observant and that I know how to come up with reasonable conclusions. I can’t explain why during that day, February 11, 2005, I was afraid to think. I was afraid to expect. An officemate told me he thinks we’re going to Regine Velazquez and Pops Fernandez’s concert. And I replied with “Sana Gary V na lang or Christian B… pero sa Glorietta kami eh! Girls’ Night Out daw. Di ko lam gagawin namin pero sabi ni Kyaleks, 2 years ko daw tatalakan sarili ko pag di ako nakasama. Hehehe” I didn’t want to think, I didn’t want to expect… para siguro di ma-disappoint. (Takot ang lola mo.) Anyways…

Di ko na kukwento mga detalye from the dinner sa Sbarro at ikot sa mall. Mabilis pangyayari eh… Basta, sa totoong buhay, magaling ang tactics ng dalawang engels namin.. Diversion! (Sabi nga ni Legolas) Di ko napansin ang tarp ng concert nung nasa tapat na kami ng hotel dahil sa itinurong building sa other side. Pati yung poster na malapit sa entrance dahil may tinurong restaurant na masarap daw ang pagkain, and we should try the place sometime. =) (Ashus! Hehehe =))

Di ko napigilan ang sarili kong kiligin at first. You know naman, nag-try akong magpaka-demure. (Pero di ko pala mashadong kaya. hehe). Isa lang naman reklamo ko. Ang mga audience dun ay parang tuod na di gumagalaw! Iba lang talaga siguro ang pag-appreciate nila ng songs ni Kuh and Christian (o diba, close?). They were just sitting there, holding their date’s hands.. chuva! (Great! mang-inggit daw ba?!) Habang ako, well… maganda. =)

Di ko na nabilang ang dami ng kanta. Di ko na matandaan kung ilang beses nagpalit ng gown si Kuh Ledesma. Basta ang alam ko lang, andun ako, habang kumakanta si Christian Bautista! (By the way, dalawang beses lang shang nagpalit ng polo. Grayish yung una, reddish yung pangalawa. At naka-black sha na coat and pants at shiny ang shoes!)

So ganun na nga po ang nangyari. (for more details, visit ate beng’s blogsite hehehe). Nahiya pa nga akong sumigaw ng “More!” eh. Effort talaga yun for me.

Nakasakay na kami sa taxi pauwi, kinikilig pa ko. Hirap itago ng smile. Hehe =) Hindi pa ko nakatulog agad pag-uwi. KAILANGANG malaman ito ng mga housemates ko! Hehehehe =) At gaya ng inaasahan, they’re happy for me. (and I guess, nakulitan din sila. Sowee. Hehehe)

Thank you Ate Beng and Ate Aileen. “What a pleasant surprise!” is the biggest understatement of the year! (My year, that is. Or years maybe)
Hanggang ngayon, naka-smile pa rin ako. =)

Tuesday, February 8

Wisdom Tooth

Walang nagsabi sa akin na masakit pala tubuan ng wisdom tooth! Nabagabag ako sa buong araw, iritable sa paligid, konti na lang ay maasar sa buong mundo! Ang hirap pala pag unti-unting nadadagdagan ang edad. Kaakibat ay mga pagbabagong minsan ay nagdudulot ng saya, minsan naman ay sakit. Ang sakit talaga!
Naisip ko tuloy, masakit din ba ang pagdating ng wisdom sa totoong buhay? Malamang oo... (wisdom tooth nga lang, masakit na eh! =)) marami munang pagdaraanan bago matamo ang wisdom na inaasam... maraming pagsubok, maraming aral. Pero ganun pa man, patuloy pa rin ang pagsusumikap... patuloy ang pagtakbo ng buhay... patuloy...hanggang matamo ng tuluyan.